Hindi mo kailangan ng degree sa rocket science para makahanap ng remote work. Minsan, kailangan mo lang talaga ng decent gadget at diskarte.
Maraming online jobs ngayon tulad ng virtual assistant, content writer, graphic designer, ESL tutor, at iba pa. Pero real talk, kahit gaano ka pa kasipag, kung ang laptop mo nagfe-freeze kada Alt Tab, good luck sa productivity mo.
So ano nga ba ang basic gear ng remote worker starter pack?
Laptop - Hindi kailangan ng gaming specs pero at least i5, 8GB RAM, SSD sana. Para hindi ka nai-stress sa loading time
Headset with mic - Para malinaw kausap si client. ‘Wag ‘yung may echo ha
Ring light - ‘Di lang para pogi points sa Zoom pero para mukhang presentable kahit puyat ka
Kung wala ka pa ng mga ‘to, don’t stress. May paraan para makapagsimula kahit wala pang full budget. Hulugan, installment, financing… alam mo na ‘yan.
No gear, no fear!
Pwede 'yan hulugan this year!