1
min read
Helmet + Intercom: Mas Ligtas, Mas Astig, Mas Connected
by
Jerico Umali
Share this article

Tag-ulan na naman.

Alam mo na ‘yan, lalo na kung araw-araw kang naka-motor. Sanay ka na sa ulan, putik, at traffic. Pero aminin natin, kahit gaano ka ka-ready, may mga araw talagang nakakairita. Yung biglang buhos ng ulan, may angkas ka pa, tapos hindi kayo magkaintindihan sa daan. “Kakanan ba tayo?” “Ha? Ano raw?” Ayun, sigawan na. Minsan asaran, minsan away pa. Ang simple sana ng biyahe, naging toxic pa.

Kung may intercom lang sana, aba ibang usapan na yan. Wala nang sigawan, diretso usap lang kahit parehong nakahelmet. Mas malinaw, mas safe, at mas chill ‘yung ride. Hindi ka na mai-stress kung may gustong sabihin si angkas sa'yo, maririnig mo siya agad kahit umuulan. Ganyan dapat, diba?

Kaso ang totoo, mahal ang matinong helmet at intercom. Kaya madalas, tiis-tiis muna. Gamit pa rin natin ‘yung luma, loose na, gasgas pa. Di na safe, tapos dagdag hassle pa lalo na ngayong tag-ulan.

Pero kung gusto mong mag-upgrade ng gear nang hindi nasasagad ang bulsa mo, dito ka na sa GoodDeal. Pwedeng hulugan, tapos idideliver pa sa bahay mo. Walang abala, walang lump sum.

Kung araw-araw kang nasa kalsada, kailangan mong i-prioritize ang safety at comfort mo para garantisadong good deal ang bawat biyahe mo.

Let’s Make Financing Easy and Stress-Free—Reach Out Today for Expert Guidance and Personalized Solutions!
Contact Us