Alam mo ‘yung feeling na gusto mong guminhawa, pero kahit saan ka tumingin, puro gastos? As in, gusto mo lang naman ng ref na maayos, laptop na hindi naghahang, o kahit bentilador na hindi mukhang helicopter sa ingay. Pero ang ending, tinitignan mo na lang ulit sa online shop habang nagkakape ka gamit ‘yung baso na may bitak.
Hindi naman sa choosy ka. Gusto mo lang ng konting ayos sa buhay. Konting upgrade. Para mas okay ‘yung galawan mo sa araw-araw. Pero ang tanong palagi — “kaya ba ng budget?”
Kasi kahit gusto mo na, minsan hindi talaga kasya. At hindi mo rin naman puwedeng isugal lahat para lang sa isang gamit. Kaya tiis-tiis muna, habang umaasa na balang araw, ma-aachieve mo rin ‘yung aesthetic kitchen o work-from-home setup na pasok sa taste mo.
Pero real talk: may paraan naman eh. Hindi mo kailangang bayaran lahat ng isang bagsakan. May mga options ngayon na pwede mong hulugan, paunti-unti lang, pero sure na mapupunan yung goal mo.
Kung gusto mo na talagang ayusin ang buhay mo, baka ito na ‘yung sign. Hindi kailangan ng perfect timing. Minsan, kailangan mo lang talagang simulan.