Alam mo ‘yung feeling na parang bumabagal na ang phone mo, tapos kahit anong clear ng storage, lag pa rin? O kaya naman, lowbatt ka na agad kahit kakacharge mo lang? Kung oo, baka ito na nga ang sign na kailangan mo nang mag-upgrade.
Pero teka, bago ka magmadali, pag-isipan muna natin. Kailangan mo ba talaga ng bagong phone, o trip mo lang? Kung pang-social media lang naman ang gamit mo, baka kaya pa ng phone mo. Pero kung madalas kang mag-multitask, naglalaro ng high-graphics games, o kailangan mo ng mas malinaw na camera para sa OOTD mo, baka worth it na ang upgrade.
Isa pang factor ay budget. Alam nating mahal ang bagong phone pero huwag magpadala sa peer pressure kung hindi pa naman kaya. Maraming financing options na makakatulong para hindi masyadong mabigat sa bulsa. Kaya ipa-GoodDeal mo na ‘yan! Hindi mo kailangang biglain ang gastos kung may mas madali at magaan naman na paraan.
So, dapat ka na bang magpalit ng phone? Kung sagad na talaga sa bagal o hindi na compatible sa apps na kailangan mo, then go for it! Pero kung kaya pang tiisin, baka mas okay nang maghintay para sa next upgrade. Smart spending pa rin, ‘di ba?